"Hoy ano na?! Ngingisi ka pa talaga diyan ha!" Singhal ni Carlota kay Solomon. Siya naman ay aliw na aliw lamang sa reaksyon nito. Namumula ang pisngi at tila hiyang-hiya ito. "Lalabas ako, tapos aayain ko si Itay na bumili kami ng gamot para sa diarrhea. Tsaka ka lumabas kapag nakalabas na kami ni Itay," nakangiting bulong niya dito. "Okey, bilisan mo na naiinip na sya ei." wika nito, sabay tulak sa kanya. Pero mabilis niyang dinukwang ang labi nito at buong pagmamahal na ginawaran ng halik iyon. Natampal pa siya nito sa balikat dahil sa ginawa niya pero tinawanan lamang niya. Nagtago ito sa likod ng pinto bago niya binuksan iyon. "Tay! Naku, pasensya na po. May diarrhea po ako kaya medyo natagalan." nakangiting wika niya sa Itay ni Carlota. "Ahh ganon ba? Dapat uminom ka ng ga