Di maipaliwanag ni Carlota kung ano ang nangyari sa kanya. Galit siya dito pero bakit ngayon nagtatawanan na silang dalawa. Nakakatawa naman talaga ang sitwasyon nila hindi niya alam kung bakit sabay pa silang nagka-diarrhea. Nakakatawa pero ngayong sabay silang humahalakhak sa nakakahiyang sitwasyon na kinasadlakan nila ay parang mas gumaan ang kanyang pakiramdam. "Maghugas ka na, medyo kumalat sa akin ei," nakangiwing wika nito sa kanya. Natatawa siya sa itsura nito, nakangiwi na hindi maipinta ang mukha. Ito ang unang beses na nangyari ito sa kanila, kahit mahigit limang taon silang nagkasama never pa nangyaring nagkasama sila sa isang cr kapag magpopo. Nahihiya din siya pero wala naman na silang magagawa, nangyari na. Kinuha niya ang tabo at naghugas na siya ng kanyang pang-upo,