Simula ng insidenteng iyon naramdaman din ni Solomon ang panlalamig sa kanya ni Carlota. Hindi na rin siya ito masyadong pinagtutuunan ng pansin. Kahit na linggo at wala siyang pasok ay nagtutungo pa rin ito sa farm. Nag-uusap sila pero iyong lambing sa boses nito na gaya ng dati ay wala na, parang pinaparamdam nito sa kanya na wala na rin itong pakialam. Sobra siyang nasasaktan pero dahil sa takot na matuklasan nito ang lihim niya hinayaan lamang niya ito. Ngunit dumating ang panahon na inaaway na rin siya nito. Ang dami nitong hinala at mga bintang pero ni minsan hindi naman niya iyon pinatulan dahil alam naman niya sa kanyang sarili na wala siyang ginagawang masama. Sadyang hindi lang talaga niya kaya na ipagtapat dito ang kakulangan niya. Pero sa tingin niya kapag hindi pa niya ina