Nagtaka si Solomon ng pagmulat ng kanyang mga mata ay matuklasan na wala sa kanyang tabi si Carlota. Imposible naman na nasa labas na ito or nasa farm na ito dahil napakaaga pa. Tiningnan niya ang oras sa relong pambisig niya at natuklasan niya na ala una pa lamang nang madaling araw. Kaya naman bumangon siya at nagtungo sa banyo na nasa mismong silid nila pero wala ito doon. Naisip niya na baka kumukuha lamang ito nang tubig o pagkain sa kusina kaya wala ito sa tabi niya. Pero pagdating niya sa kusina ay wala namang tao doon. Kaya bumalik siya sa second floor tiningnan kung nasa veranda ito pero wala pa rin ito doon. Kaya naisipan niya na magtungo sa kabilang silid na dati nitong inuukupa noong hindi pa sila mag-asawa. Doon niya nakita ang asawa himbing sa pagkakatulog pero napansin niy