Mabilis na dinaluhan ni Carlota ng asawa niyakap agad niya ito. "Solomon! Asawa ko! Diyos ko bakit?! Anong nangyari sayo?!" nag-aalalang tanong niya dito. "Heekk, oiii m-mahang ko. A-andiyan ka na pala, sh-shorry nakainom lang ako pero di ako l-lashing, heek." kandabulol na wika nito dahil sa sobrang kalasingan. "Hindi pa ba yan lasing nandito ka na nga sa lapag. Ano ba kasing nangyari sayo? Ngayon mo lang to ginawa may problema ka ba asawa ko?" naluluhang tanong niya dito. Hindi ito sumagot bagkus mahigpit itong yumakap sa kanya. At pinaliguan siya ng halik sa mukha. Alam niyang may problema ang kanyang mahal na asawa pero hindi siya nagtanong, hihintayin na lamang niya na ito mismo ang magsabi sa kanya. Nasasaktan siya sa nakikita niyang sitwasyon nito ngayon lalo pa at ito ang u