Tulala habang nakatingin si Solomon sa hawak-hawak na resulta ng laboratory test na ginawa sa kanya. Wala siyang naintindihan sa mga nakasulat doon pero iisa lamang ang pinakanaiintindihan niya doon, iyon ay ang katotohanang wala talaga siyang kapasidad na magkaanak. May mga sinasabi at pinapayo sa kanya ang doktor pero hindi na niya iyon maintindihan kaya naman nagpaalam na lamang siya. Nasa may pasilyo na siya ng ospital ng hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Iniisip niya ang pagkabigo ng kanyang mga magulang kapag nalaman ang tungkol sa kalagayan niya. Paano na ang pangarap niyang magkapamilya, papaano ng pangarap ng kanyang mahal na asawa na magkaroon ng anak. Limang taon silang umaasang dalawa pero ang resulta ng pagtitiis na iyon ay hindi pala talaga sila magkak