Sumalubong kay Solomon si Carlota, todo ngiti pa ito at agad siyang niyakap ng mahigpit sabay gawad ng halik sa kanyang mga labi. Tinugon naman niya iyon ng buong pagmamahal. "Pasalubong?" Malawak ang pagkakangiting tanong nito. Sanay kasi ito may dala siyang pasalubong dito, kadalasan flowers, o kaya mga favorite nitong kainin. Ayaw kasi nitong mamahalin ang binibili niya, siguradong mapapagsabihan nanaman siya nito. Agad na napakamot siya sa ulo, nakalimutan na niyang bumili ng pili nuts kanina dahil sa natuklasan. "S-Sorry mahang nakalimutan kong bumili, n-nagmamadali kasi kami ni Gabriel dahil may dinaanan pa kami diyan sa may Talisay. Sorry na ha, bawi na lang ako bukas." Nabubulol na hinging paumanhin niya dito. Kung bakit naman kasi nakalimutan niya, sa loob ng limang taong pa