Pababa na ng kanyang sasakyan si Solomon, pauwi na kasi sila sa villa pero may nakita siyang nagtitinda ng pili nuts na favorite ni Carlota, kaya naman naisipan niyang bumaba para bumili hindi naman niya kasi ugali na iutos pa kay Gabriel ang mga ganoong bagay. Ngunit ng bigla siyang napadaing dahil sa matinding sakit na nararamdaman sa private part niya. "Seniorito, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Gabriel sa kanya. Hindi agad siya nakasagot dahil napangiwi siya sa matinding sakit. Ramdam niya ang pagsigid ng kirot sa kanang bahagi ng kanyang dalawang bola. Sa totoo lang noon pa niya nararamdaman ang pagkirot niyon pero ipinagwawalang bahala lamang niya dahil akala niya ay normal lamang tsaka kaya naman niya noon, pero ngayon parang hindi siya makalakad dahil sa sobrang s