Halos magdamag na hindi nakatulog si Carlota dahil sa pag-iisip. Pasado alas kwatro na ng madaling araw ay mulat na mulat pa rin ang kanyang mga mata dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya mapaniwalaan na mamaya lamang ay mamamanhikan na sila Solomon. Kahit sino siguro ang malagay sa sitwasyon niya ay talagang hindi rin makakatulog. Ni hindi pa nga niya naranasan man lang na makipagdate. Isang araw lang din na panliligaw ang pinaranas nito tapos heto at nagkaron agad siya ng instant boyfriend at tiyak ilang buwan lang ay ikakasal na siya. Pero nakapagdesisyon naman na siya kaya dapat lamang na panindigan niya iyon. Isa pa batid naman niya sa kanyang sarili na may nararamdaman siya para kay Solomon kaya nga nagdesisyon siya na pumayag sa kondisyon ng tatay nito dahil natatakot siyang hin