Simula ng matuklasan ni Carlota ang tungkol sa totoong katauhan ni Solomon, hindi na ito nangimi pang ipakita sa kanya ang totoong lifestyle nito. Lalo na sa paglalakad nila ng kasal, kung saan-saan siya nito dinadala. Heto nga at inaya siya sa isang sikat daw na restaurant sa Naga, halos mahimatay siya sa mga presyo ng pagkain ng inabot sa kanila ang menu. Alam naman niyang mayaman ito pero sobra naman iyong isang putahe lamang pwede ng budget ng kanilang pamilya ng ilang araw. Kakaiba din ang mga pangalan ng pagkain kaya hinayaan na lamang niya si Solomon na pumili ng kakainin nila. Kung hindi siya nagkakamali isang Italian Restaurant ang pinagdalhan sa kanya dahil nabasa niya kanina bago sila pumasok sa loob. Nasa tuktok ng isang mataas na building ang kinaroroonan ng restaurant, nahi