Napakabilis kumalat ng balita sa kanilang purok maging sa mga karatig purok. Kilala kasi ang mga Montilla sa kanila halos lahat kasi ng mga taga sa kanila ay nakakapagtrabaho na doon. Iyon nga lang hindi nakikita ng mga extra na trabahador ang mga ito dahil hindi naman naglalaro ang pamilya sa farm. Pero sa mga sahod at ibang pang bunos naman ay maaasahan ang pamilya, tinitiyak ng mga ito na hindi naaagrabyado ang mga maliliit na manggagawa. "Totoo ba anak na si Solomon at ang anak ng mga Montilla ay iisa?! Ibig sabihin sila balae ay ang mag-asawang Montilla?!" gulat na gulat na tanong ng nanay ni Carlota. "Opo Tiya Maria, gulat na gulat talaga kami kanina ng makita namin sa villa na iyon si Bro Solomon. Halos malaglag nga po ang panga ko kanina tiya, grabe! Tsaka iyong villa po, sob