Nakita agad si Solomon ni Gabriel na papalabas na siya sa main door. Nilapitan siya nito pero hindi siya nagsalita at nagpatiuna ng maglakad patungo sa may puno ng malaking mangga na nasa may gilid ng villa. Doon ay may sadyang ginawang upuan at lamesa na nakapalibot sa mismong puno ng mangga. Doon ang tamang lugar para mag-usap sila para matiyak niya na wala sa kanilang makakarinig. Sabagay ang lahat naman ng kasambahay nasa loob na ng bahay at ang mga guard ay nasa nasa kanya kanya nang pwesto ang mga ito. Kaya sila na lamang dalawa ang nandoroon pero lumingon-lingon pa rin siya sa paligid mas mainam na masiguro niya na ligtas at walang makakarinig sa pag-uusap nilang dalawa. "Bakit kailangang pagmasdan mo sa malayo ang asawa ko? Ano ang ibigsabihin mo sa ginawa mong iyon?" mahina pe