Nasa dalampasigan si Solomon ng mga sandaling iyon nakatanaw siya sa malawak na karagatan. Kagagaling lamang niya sa Legazpi, maagang natapos ang kanyang meeting kaya naman nagpasya siyang magtungo sa isang pribadong resort na pag-aari ng kanilang pamilya. Nais niyang manatili doon hanggang gumabi bago siya tuluyang umuwi. Ayaw niyang umuwi agad sa kanilang villa dahil natitiyak niya na nandoon na si Gabriel. Halos dalawang linggo na ang nakararaan simula nang muling may mamagitan sa kanila ng kanyang asawa. Hindi man nito sabihin pero natitiyak niya na inaasam nito na magbunga ang gabing iyon. Masakit iyon para sa kanya dahil batid naman niya ang kanyang tunay na kalagayan. Alam niya na masyado na itong nananabik na magkaroon ulit sila ng anak at alam niya na hindi niya iyon maipagkakal