"Gabriel?" tawag niya sa lalaking nasa may parking lot. Kahit nakatalikod ito ay kilalang-kilala niya ang pangangatawan nito. Kasing laki man ito ng kanyang asawa at parehas na parehas kung titingnan ang mga balikat ng dalawa ay hindi parin maitatanggi na ito ay si Gabriel. Ang ipinagtataka lamang niya ay tuluyan na itong pinaalis ng kanyang asawa kaya hindi niya inaasahan na makikita pa itong muli sa villa. Nanggaling kasi siya sa farm ang kanyang asawa naman ay nasa Legazpi City dahil may meeting ito doon kasama ang ilang kliyente. Kaya hindi talaga niya inaasahan na makikita niya si Gabriel pero marahil siya ang pakay nito kaya ito ay nagtungo sa villa. Pero bakit nililinis nito ang isang sasakyan ni Solomon. Kung ito ay dadalaw hindi nito iyon gawain lalo pa at meron namang nag