Mas naging maligaya si Carlota ng matuklasan nitong buntis na ito. Araw-araw mapapansin mo ang ning-ning sa mga mata nito, minsan nga humihimig pa ito ng awitin at tila inaawitan ang sanggol na nasa sinapupunan nito kahit impis pa naman ang tiyan nito. Kadalasan din na kinakausap nito iyon na tila nakaka-intindi na ang sanggol. Naging maingat din ito sa pagalaw, kahit na sanay na sanay itong kumilos sa villa ngayon hindi na halos ito nagkikikilos. Sa katunayan sa kwarto na sa first floor sila natutulog sa ngayon, nagpaalam ito sa kanyang mga magulang na kung pwede sa silid na lamang ng mga ito sila tumuloy habang nasa delikadong stage pa ito ng pagbubuntis. Natatakot kasi itong umakyat sa hagdan dahil baka daw madulas ito, doble-doble talaga ang pag-iingat ng kanyang mahal. Iyong pagsam