"D-Doc! A-Ang asawa ko? Kumusta siya? A-Ang baby ko?!" Agad na tanong ni Carlota sa Doctor ng pagmulat ng mata niya ito agad ang mabungaran niya. Hindi ito umimik pero sinipat ang kanyang mata at maging ang pulso niya ay tiningnan din. Tsaka may sinabi ito sa nurse pagkuwa'y pinalabas na rin iyon. "Doc, kumusta na po ang asawa ko? Bakit hindi nyo po ako sagutin? A-Ang ba—," natigilan siya ng may kakaibang maramdaman sa sarili. Masakit ang kanyang balakang at tila may mainit na likidong lumalabas paunti-unti sa kanyang pwerta. Agad siyang nag-angat ng mukha at nagtatanong ang mga matang tumingin sa Doctor. Ang tanging naisagot lamang ng butihing doctor ay bahagyang pag-iling. Agad na namalisbis ang masaganang luha niya sa kanyang pisngi, ni hindi siya nakapagsalita o nakakilos manlang