Kabanata 67

1631 Words

"Carlota!" bulalas ni Solomon, agad siyang napabalikwas ng bangon. Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid, wala ang kanyang asawa. Wala na rin si Gabriel. Bumundol ang matinding kaba sa kanyang dibdib. May pumasok na isipin sa kanyang isipan pero agad niyang iwinaksi ang isiping iyon. Baka naman nasa kabilang silid lamang ang kanyang mahal na asawa dahil sa galit ito sa kanya. Mabilis siyang lumabas ng silid at nagtungo sa katabing silid ng kwarto nila pero malamig na buga ng aircon lamang ang sumalubong sa kanya. Maayos ang cover ng kama at walang indikasyon na may natulog doon. Pumasok pa siya sa pagbabakasakaling nasa loob lamang ng cr ang kanyang mahal ngunit wala talaga. Tuyo ang sahig ng banyo at halatang walang gumamit niyon. Agad siyang bumaba, tahimik ang buong paligid. T

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD