Napadaing si Solomon sa kirot na sumigid sa kanyang sintido ng magmulat ng kanyang mga mata. Napahawak tuloy siya ng wala sa oras sa kanyang ulo dahil sa kirot na iyon. Napakunot ang kanyang noo ng mapagtantong nasa ibang silid siya at ng ilibot niya ang kanyang paningin, napagtanto niya na nasa ospital siya. Nagtataka siya kung bakit nasa ospital siya ang alam niya ay nasa silid lamang siya kagabi. "Senyorito! Gising na pala kayo," wika ng isa nilang kasambahay na noon ay kakapasok lang. "Bakit nandito ako Manang? N-Nasaan po si Carlota? Bumalik na ba ang asawa ko?" sabik na tanong niya dito. Nasasabik siya sa isasagot nito, nagbabakasakali na nasa villa na si Carlota at hinihintay siya. "H-Ho, ah-eh... W-Wala po siya doon Senyorito. Pero may sinabi po ang ating guard na naka-du