"Aheemm!" tikhim ni Aileen ng makita nito ang paglabas nila ng sabay ni Solomon sa kanyang silid. Namula ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan. Pano ba naman tinanghali sila ng gising ni Solomon, dahil siguro sa pagod ng kababalaghan nilang ginawa kagabi. Lalo na parang umakyat ang dugo niya sa kanyang mukha ng mapansing gising na ang lahat at nakatuon ang paningin sa kanila. Si Katrina na kilig na kilig, ang kanyang Inay at Itay naman ay maaliwalas ang mukhang nakatingin sa kanila. "Hay salamat sa Diyos mukhang nagkabati na ang dalawa," masayang wika ng kanyang Tita Norma ang Mama ni Aileen. "Yes po tita, pinatawad na po ako ni Carlota. Nag-usap na po kami kagabi, at nagkasundo na babalik na po kami sa aming lugar para maipagpatuloy namin ang naudlot naming pagsasama bilang mag-asawa