Isang linggo pang nanatili sa ospital si Solomon bago tuluyang na-discharge. Hindi pa man ito gaanong magaling pero nakakalakad na ito. Hindi man nito pinapahalata sa kanya pero alam niyang nalulungkot din ito sa nangyari, kunyari malakas lang ito pero alam niya na naiisip din nito ang tungkol sa kanilang baby. Kaya lang ngayong nakauwi na sa villa si Solomon. Parang pakiramdam niya mas lalo siyang nilalamon ng matinding kalungkutan dahil parang imbis na magdamayan silang dalawa dahil sa lungkot ng pagkawala ng kanilang anak. Pakiramdam niya ay unti-unti na namang lumalayo sa kanya si Solomon. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagkawala ng kanilang baby o dahil sinisisi nito ang sarili sa nangyari. Pakiramdam niya ay mag-isa na naman siya. Idagdag pa na tuluyan ng pinaalis ni Solomon si