Matapos ang isang linggong bakasyon na iyon sa Catanduanes nagbalik ang pamilya sa bayan ng Daet. Naging maligaya at punong-puno ng pagmamahalan ang muling pagsasama ng mag-asawang Solomon at Carlota. Tuluyan na ngang nakalimutan nila ang madilim nilang nakaraan dahil na rin sa pagmamahal nila sa isa't isa. Ang mama at papa ni Solomon ay halos hindi makapaniwala nang makilala na ng mga ito ang apo. Naiyak pa ang Mama Nyebez nila at gano'n din ang kanilang Papa Roque. Sa wakas daw natupad na ang matagal na nitong pinapangarap sa kanilang mag-asawa. Agad na kinuha ng mga ito ang apo at ni hindi pa nga sila nakakapag-mano tinalikuran na sila na busy nasa cute na cute nilang anak na si baby Carl. Game na game naman ang bata hindi rin ito naging mahiyain sa lolo at lola nito ilang sandali na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books