Nagmamadali si Solomon pauwi para magtungo sa bahay ng mga magulang ni Carlota. Halos paliparin na niya ang kanyang kotse dahil sa mga sinabi ni Mang Emong kanina habang kausap ito sa cellphone. Umaapaw din ang kaligayahan sa kanyang puso at parang gusto na niyang paliparin ang kotse patungo sa lugar kung nasaan si Carlota pero kailangan muna niyang matiyak ang lahat. Tumawag kasi siya kay Mang Emong kanina. Nagpapasundo sana siya dito dahil balak sana niya itong ayaing uminom sa isang bar sa bayan. Pakiramdam kasi niya kailangan nanaman niya ang alak para makatulog lalo pa at nakapag-file na siya ng annulment kanina. Parang hindi pa rin niya matanggap ang tungkol dito pero wala naman na siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat. Kaya naman tumawag siya kay Mang Emong pero hindi niya ina