"Kung hindi si Basty ang dadatnan ko dito sa opisina mo, ang Nick namang iyon," matalim na sabi ni Gideon sa kanya nang maiwan na silang dalawa ng asawa sa loob ng opisina niya. Humugot siya ng malalim na paghinga at mariing pinikit ang mga mata. Kahapon pa siya stress sa ganitong kinikilos ng asawa niya. Oras na marahil para magtanong na siya at mag usisa rito. Although may idea naman na siya. Pagbukas ng mga mata napasulyap siya sa brown envelope na nasa mesa niya. "Gideon ayoko ng gulo, ayoko ng away sa pagitan natin,' kalmado pero nakataas ang kilay niyang sabi sa asawa. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag igting ng panga ni Gideon saka ito humakbang palapit sa kanya at sinaklit siya nito sa braso. Alam niyang sadya siyang nais saktan ni Gideon. Kaya naman hindi siya nagpatinag. Lalo p

