Ayaw niyang kumain kasabay si Gideon kaya naman umakyat na lang siya sa itaas sa silid kung nasaan ang mga gamit niya. Naiinis siya ng sobra kay Gideon, wala siya dapat rito, nasa bahay na dapat siya ng grandparents niya. Iyon nga lang malakas ang kapit ng demonyo, mismong lolo niya ang nagtutulak kay Gideon sa kanya. Mahirap isipin pero iisa lang ang dahilan na alam niya kung bakit ito ginagawa ng lolo niya. Pera at kapangyarian. Noon pa man hindi ba't pinipilit na ng lolo niya ang Mommy niya kay Mr. Gael Saavedra dahil iyon sa kapangyarian na makukuha ng mga Santillan sa Saavedra. "Ano man ang binabalak nila hindi sila magtatagumpay!" Determinadong bulong niya sa sarili. Sasakyan niya ang laro ng lolo niya at ni Gideon pero hindi siya magpapadala, sa larong ito si Gideon ang matatalo a