"Ano na naman ba ang nangyari Via at nais mong lumipat ng school?" Tanong ng Mommy niya nang makausap ito sa phone at sinabi ang nais niyang magtungo na sa Paris para doon na lang siya mag-aral. Nasabi na niya sa lolo at lola niya ang plano niya. Wala siyang ano mang pagtutol na narinig sa mga ito, at hindi na rin nag-usisa pa ang mga ito, lalo na ang lolo niya na agad na lang sumangayon sa kagustuhan niya. Marahil dahil ayaw na rin ng lolo niyang manatili pa siya sa San Sebastian dahil wala na naman ng malinaw sa relasyon nila ni Gideon. Hindi niya pinaalam sa mga ito ang ginawa sa kanya ni Gideon. Ayaw na niyang palakiin pa ang gulong ginawa niya. Ayaw na niya ng panibagong eskandalo tama na ang eskandalo niya sa San Rafael. "Wala naman po Mommy, naisip ko lang po na much better kung s