"Kasama mo ba si Basty nakatira sa apartment na ito?" Tanong sa kanya ni Gideon nang makarating na sila sa building ng tinitirhan niyang apartment. Masamang tingin lang ang pinukol niya kay Gideon at lumakad na. Hindi na siya nagpasalamat sa paghatid nito sa kanya. Kaya naman niyang umuwi mag-isa. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Gideon kaya naman huminto siya at sinulyapan ito. "Anong ginagawa mo? Umalis ka na!" Taboy niya kay Gideon na palingon-lingon pa sa paligid, na wari ba'y sinusuri ang malaking building na tinitirhan niya. Sa isang expensive apartment siya tumutuloy sa Paris. Ang parents naman niya ang nagbabayad kaya ok lang kahit mahal. "Hindi mo man lang ba ko yayayahin uminom ng tubig?" Tanong pa sa kanyani Gideon. Ngumisi siya. "Wala tayo sa probinsya Gideon. Umuwi