Pagdating sa New York inakala niyang sa hotel o apartment sila tutuloy ni Gideon, nagulat pa siya ng sa isang bahay siya tumuloy. "Who's house is this?" She tanong niya kay Gideon habang binubuksan nito ang pintuan. "Dito ako tumira noong nag-aaral pa ko, and now bahay na natin ito," Gideon answered. "I see," tanging nasabi niya. Hindi na siya dapat magtaka pa sa kung anu-ano pa ang makikita niyang pagmamay-ari nito. Pagpasok sa loob wala siyang masabi maganda at tama ang laki nito para sa kanila. Puno ng modernong gamit at napaka elegante ng buong bahay. "Walang kasambahay?" She asked. "No, wala akong kasambahay rito," Gideon answered. "Ikaw lang mag isang tumira rito?" Usisa niya. "Yes, ako lang Olivia," tumango-tango siya sa naging tugon ng asawa. Hindi maiwasan na mapaisip siy

