"No, please no. I'm begging you stop. Please stop. Erika stop!" "Olivia wake up," tinig na narinig niya at nagmulat siya ng mga mata. Si Gideon ang nakita niya. "Gideon," anas niya sa lalaking nakatunghay sa kanya. "Yeah, it's me. Are you ok?" Gideon asked. Para siyang nakaramdam ng relief nang makita si Gideon. Masamang panaginip lang pala ang lahat. Hindi totoong naulit ang nangyari sa kanya noon. Wala si Erika at grupo nito para saktan siya. Wala rin ang lalaking iyon. Panaginip lang ang lahat. Ligtas siya si Gideon ang kasama niya. "Olivia, are you ok?" Tanong ulit sa kanya ni Gideon. Sinulyapan niya ito. Nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niyang puno ng pag-aalala ang mga mata ni Gideon. "Yeah, I am ok," tugon niya at bumango mula sa pagkakahiga. Inalalayan naman siya ni Gi