Gideon-7

1091 Words
Sa maghapon niya sa eskwelahan, halos magkakasama sila sa loob ng classroom nila ni Gideon at ng tatlong mean girls. Hindi siya makapag-focus sa klase. Pakiramdam niya nakatitig sa kanya ang mga mata ni Gideon mula sa likod. Pero hindi siya lumingon. Ayaw niyang magtama ang mga mata nila. Matapos ang huling klase, agad niyang inayos ang gamit. Gusto niyang mauna sa paglabas. Baka harangin na naman siya ni Veronica. O ni Gideon. “Are you in a hurry?” tanong mula sa likod niya. Mariin niyang pinikit ang mga mata. Kabisado na niya ang boses na ‘yon. Si Gideon. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago humarap. Halos kapusin siya ng hininga nang sa paglingon niya, kahibla na lang ang layo ng mga mukha nila. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa mukha niya. Naamoy pa niya ang mamahalin nitong cologne. Alam niyang mula ulo hanggang paa, nagsusumigaw ang karangyaan kay Gideon Saavedra. Well, hindi rin siya magpapatalo. Alam niyang aware din si Gideon kung sino siya. Kung gaano rin siya kayaman. “What do you want?” tanong niya. Hindi siya umatras. Hinayaan niyang magkalapit pa rin ang mga mukha nila. “I can give you a ride. Para na rin makapag-hi ako sa grandparents mo,” sagot ni Gideon sabay ngising makamandag. Napalunok siya at pasimple siyang umatras ng isang hakbang. Nakaramdam na naman siya ng kakaiba. “Gideon, you told me na ihahatid mo ko,” rinig niyang sigaw ni Veronica mula sa di kalayuan. Mukhang narinig nito ang alok ni Gideon sa kanya. “You hear that?” taas-kilay niyang sabi kay Gideon. Mabilis niyang hinila ang gamit sa desk at lumakad palayo. “Olivia,” tawag ni Gideon. “Gideon, ihatid mo na lang ako,” pakiusap pa ni Veronica bago siya tuluyang lumabas ng classroom. Inis na iniling niya ang ulo habang naglalakad sa lobby. Nakainis. Gusto pa yata siyang ibilang ni Gideon sa mga babae nito. “Olivia,” narinig niyang tawag ulit ni Gideon. Bibilisan pa sana niya ang lakad nang bigla na lang itong humarang sa harapan niya. “What?!” sigaw niya sa inis. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ako ang maghahatid sa’yo sa bahay niyo,” sabi nito. Masamang tingin ang pinukol niya rito. Nakatingala pa siya rito dahil matangkad ito. Papasa nga itong basketball player. Baka varsity pa sa school nila. “Ayoko. May sarili akong kotse at driver,” mataray niyang tugon. “Are you sure about that?” ngisi ni Gideon. Kumunot ang noo niya. Pansin niya rin na maraming napapatingin sa kanila. Sikat naman talaga si Gideon sa high school department. “Actually, kanina during break kinausap ko si Lolo Gabriel. Pinatawagan ko siya sa Lolo mo para sabihing ako ang maghahatid sa’yo,” litanya nito. Lalo pang kumunot ang noo niya. Naalala niya. Ayaw ng Lolo niya kay Gideon. Pasaway daw at sakit sa ulo. Kaya walang duda, nasampolan na ito ng Lolo niya. “No doubt. Hindi pumayag ang Lolo ko,” confident niyang sabi at ngumiti pa. “Ano naman ang dahilan ng Lolo mo para tanggihan ang Lolo ko?” tanong ni Gideon. “I don’t know. But I know hindi papayag si Lolo na ihatid mo ko,” taas-baba niyang sabi. “Well, you’re wrong about that,” ngisi ni Gideon. “What do you mean?” kunot-noo niyang tanong. “Pumayag ang Lolo mo na ihatid kita. In fact, walang driver na naghihintay sa’yo sa labas,” sabi ni Gideon. “No,” bulong niya. Hindi siya makapaniwala. Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan ang Lola niya. Kalmadong nakatayo lang si Gideon sa harap niya habang nakatingin. Agad niyang tinanong kung hindi ba darating ang driver para sunduin siya. “Nabanggit sa akin ng Lolo mo na pinakiusapan daw na ihatid ka ng isa sa mga apo ni Mr. Saavedra,” sabi ng Lola niya sa kabilang linya. “Opo, Lola. Si Gideon Saavedra,” diin niya sa pangalan ni Gideon. Para maalala ng Lola niya na ito ‘yung sinasabi ng Lolo niya na pasaway. “Sige na, hija. Sumabay ka na kay Gideon. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda dito,” sabi ng Lola niya. Bago pa siya makapagprotesta, binaba na nito ang tawag. “s**t,” mahina niyang mura. Sinulyapan niya si Gideon na nakangisi lang. “Hindi ko alam kung paano napapayag ng Lolo mo ang Lolo ko,” iling-ulo niyang sabi. “Easy. They’re friends,” sagot ni Gideon. Wala na siyang magagawa. Pumayag na siya. Wala siyang masasakyan. Hindi pa siya pamilyar sa lugar. Bahay-eskwela pa lang ang alam niya. Hatid-sundo pa siya. Hindi pa siya sanay umuwi mag-isa. Kaya tinanggap niya ang alok ni Gideon. Agaw-atensyon sila habang magkasabay na naglalakad papunta sa sasakyan nito. Paulit-ulit niyang binubulong sa sarili. Narito siya sa San Sebastian para magsimula muli. Pero ikalawang araw pa lang niya, kasama na niya ang isang notorious sa San Sebastian. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Bakit biglang nagbago ang isip ng Lolo niya? Para saan pa ang bilin nito na iwasan si Gideon? “Gideon, what the h*ll is this?” tanong ni Veronica na sumunod pa sa kanila hanggang parking lot. “Ihahatid ko lang si Olivia,” sagot ni Gideon. “But why?” kunot-noo na tanong nito habang nakatingin sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya at ipinakita ang iritasyon sa mukha. “Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa’yo?” balik-tanong ni Gideon kay Veronica. Nakita niya ang masamang tingin ni Gideon. Kaya umatras si Veronica kasama ang mga alagad nito. “Get in the car, Olivia,” utos ni Gideon habang binubuksan ang pinto para sa kanya. Walang kibo siyang sumakay sa passenger seat. Hindi na rin niya sinulyapan si Veronica. Ayaw na niyang masira pa ang araw niya. Dahil kay Gideon pa lang, sira na. Agad na sumakay si Gideon sa driver’s seat. Maganda. Mamahalin. Walang duda na nagsusumigaw ang kayamanan ni Gideon. Tila araw-araw yata iba ang dalang sasakyan nito. “Alam mo ba ang address namin?” tanong niya habang umaandar na sila. “Yeah. Binigay ng Lolo mo,” sagot ni Gideon. “Close ba kayo ng Lolo ko?” taas-kilay niyang tanong. “No. Hindi kami close ng Lolo mo. Ang Lolo ko at Lolo mo ang close. Kaya pumayag agad ang Lolo mo nang pakiusapan ng Lolo ko,” paliwanag ni Gideon. Mukhang matalik nga ang magkaibigan ng mga Lolo nila. Kaya ganun na lang kadali siyang ipagkatiwala ng Lolo niya kay Gideon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD