"You mean dito na ko titira mula ngayon?" She asked nang magtungo sila ni Gideon sa bagong bahay nito pagkatapos ng reception ng kanilang kasal. Naging maayos naman ang kasal at reception nila, dahil na rin piling-pili lang ang mga bisita nila, kaya naasikaso naman nilang lahat. Ganoon pa man nakakapagod pa rin ang maghapon. "Yes, Olivia dito ka na titira kasama ko," tugon sa kanya ni Gideon at niyaya na siyang pumasok sa loob ng malaking bahay. Malaki, malawak at moderno ang bahay nito, napakalawak pa nga ng bakuran nito, pwede pang tayuan ng isa pang bahay. Ano pa nga ba ang aasahan niya kay Gideon isa itong Saavedra. Sumunod siya kay Gideon papasok sa loob ng bahay. Tatlong kasambahay ang agad na bumati sumalubong sa kanila at binati sila. "Congratulations po Sir Gideon, Ma'am Oliv