Lasing na lasing na si Olivia nang makauwi sila sa bahay. Hinayaan niyang uminom ng uminom ang asawa para mailabas ang sama ng loob nito sa kanya. Nais nga niyang malasing pa lalo ito at magsabi ng kung ano man ang kinaiinisan nito sa kanya. Para malaman niya kung wala na bang pag asa na mahalin siya muli ng asawa. Pagdating nila sa bahay, halos hindi na rin kayang maglakad ng asawa sa sobrang kalasingan nito, kaya naman binuhat na lang niya papasok ng bahay. "Mahina ka pala talagang uminom. Next time hindi na kita hahayaang uminom pa Olivia," bulong niya sa asawa habang paakyat na sila ng hagdan. "Hhmm. Gideon," ungol nito habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya. Nararamdaman niya ang mainit nitong paghinga na naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa buong katawan niya, lalo na sa

