Mabilis na lumipas ang mga araw, ok naman ang naging pagsasama nila ni Gideon hindi na sila muling nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan dahil kay Basty, nagagawa naman kasi niyang iwasan si Basty sa tuwing lalapit ito sa kanya. Kailangan niyang gawin ang bagay na iyon para hindi na mabuksan pa ang tungkol sa kanya sa San Rafael. "Birthday party ni Veronica mamaya, gusto mo bang umattend?" Gideon asked habang nasa cafeteria sila at nag me-meryenda. Silang dalawa lang nito sa mesa at sa kabilang mesa naman ang mga kaklase nila. "Gusto mo bang umattend?" She asked. Wala siyang planong pumunta lalo na at hindi naman sila close ni Veronica. Si Veronica at ang grupo nito ang pinaka ayaw niya at nais niyang iwasan ang mga ito, lalo na at halatang-halata niya na ayaw sa kanya ng mga ito. Madalas