Medyo nakaramdam ng sama ng loob si Peri sa pinsan, tama lang naman ang sinabi niya dito ei at para sa ikabubuti din naman nito kaya pinapaalalahanan niya ito. Tapos nakuha pa nitong insultuhin siya ng tawagin siya nitong kamahalan. Minsan talaga napakakitid ng utak nito. Hindi tuloy niya naiwasan ang hindi maluha. " Tahan na Peri, wag mo ng damdamin ang mga sinabi ni Alena sayo tsaka baka makasama din kay baby kapag nagpatuloy ka sa pag-iyak. " alo sa kanya ni Silvanna. " Lagi nalang syang ganyan, itinatama ko lang naman ang sa tingin kong mali niyang ginagawa ei. Pinsan ko sya at mahal ko sya kaya ayaw ko mapahamak sya pero kita mo naman ang ugali nya. Sabagay ganyan naman talaga sya ei pero kahit ganon love na love ko pa rin sya. Hindi ko naman kagustuhan na maging Reyna ei,ang a