" Mahal ko,kaylan may hindi ginawang kainan ang dahon ng saging dito sa aming palasyo maging ang mga alipin ay hindi sila kumakain sa dahon ng saging." pahayag nito,halata ang pagkadisgusto sa idea niyang doon nila ilalagay ang pagkain. " Kamahalan, alam nyo po bang mas sumasarap ang pagkain kapag inilalagay sa dahon ng saging. Lalo pa ang kanin,kapag mainit na ilagay mo dito. Subukan nyo lang po kamahalan, sigurado akong magugustuhan mo rin iyon. Baka nga ganahan ka sa pagkain kapag natikman mo at naamoy mo ang kakaibang aroma na hatid ng dahon ng saging." nakangiti niyang pahayag dito. " Sige,susubukan ko Mahal,ngunit kapag hindi ko nagustuhan wag sana sumama ang loob mo ha." nakangiti ngunit halatang napipilitan lamang ito. " Okey lang naman Mahal ko, pasensya na dahil nakalimutan