Nakita niyang lumapit si Alena sa mga lamang lupang manunugtog, tila may sinasabi ito sa mga iyon lalapitan na sana ni Peri ito para suwayin kasi baka kung ano nanaman ang gawin ng pasaway niyang pinsan pero pinigilan siya ni Saithon. " Hayaan mo na mahal ko si Alena, matanda na sya at alam na niya ang kanyang ginagawa ta tsaka nakagabay naman sa kanya si Saithon, batid kong hindi siya papabayaan ng aking kapatid. " sabi nito, kaya naman hindi nalang niya itinuloy ang balak kahit pa medyo duda siya sa kakayahan ni Prinispe Saimon na mapigilan si Alena. Noong una,nakikita niyang naiilang ito o may bahagyang takot ito kay Prinsipe Saimon lalo na ng malaman nito na totoo palang Prinsipe si Prinispe Saimon, pero ngayon tiyak niyang may kakaiba na sa dalawa. Sa tingin niya ay si Prinsipe Saim