" Oo Alena, ikaw ang nais kong mapangasawa ng aking bunsong anak na Prinsipe at batid ko namang ito rin ang nais ng aking anak. Diba sabi ko sayo kanina may maganda akong gantimpala sa iyo. Ito na yon, ang gawin kang Prinsisa ng Palasyo at maging asawa ng aking anak." masayang pahayag nito. " Ngunit Mahal na Reyna, hindi po maari ang nais nyo. Isa po akong tao at nababagay lang din po ako sa kauri ko,isa pa ayaw ko pong manatili pa sa lugar na ito, hindi po ako dito nababagay at tsaka po,napakabata ko pa para mag-asawa. " tanggi ni Alena sa nais ng Reyna, batid nitong hindi iyon magugustuhan ng Reyna kaya agad itong lumuhod sa harap nito. Ngunit dinaluhan ito ni Prinsipe Saimon, inalalayan ito sa pagtayo. Tsaka hinarap ang Inang Reyna. " Ina, batid ko pong maganda ang inyong hangarin