" Pagbati mahal kong Ina." pagbati ni Haring Saithon sa Inang kadarating lamang. Sunod ding bumati sina Peri at Prinsipe Saimon at maging ang pamilya ni Peri ngunit tinaasan lamang ng kilay ng Inang Reyna ang mga ito. " Inuulit ko Saithon, ano ang ginagawa ng mga tagalupang iyan dito?" mataray na tanong nito. " Isinama ko po sila dito Ina para makita naman nila ang sitwasyon ng aking Reyna dito para hindi na rin sila mag-alala pa." mahinahong sagot dito ng Hari. " Ngunit anak, mga tao sila ipinagbabawal na tayo ay makisalamuha sa kanila. Bawal din na magtungo sila dito sa mundo natin." wika nito. " Ina, hindi sila basta tao lamang pamilya sila ng aking kabiyak. At bilang Hari ng kahariang ito pinapahintulutan kong tumuntong ang mga tao sa ating mundo basta sila ay kaanak ng aking

