Maagang namili sina Prinsipe Saimon, kasama sina Lola Maria, Alice, Alena at Uni. Sila naman ay naiwan sa bahay para ayusin ang kanilang mga dadalhing damit. Hindi naman sila sanay manamit ng uri ng damit na mayroon sa kaharian kaya nagdala sila ng iilan, lalo na para sa kanyang baby. Pero batid ni Periwinkle na hindi na siya maaari pang magsuot ng ganon sa kaharian lalo na at siya na ang Reyna ngunit hindi pa rin talaga siya sanay, bahala na kung pagbawalan siya ei di susunod nalang pero magdadala pa rin siya. Maya-maya'y naramdaman niya ang matipunong bisig na pumulupot sa kanyang bewang mula sa kanyang likuran. Napangiti siya ng lingunin ito, ang kanyang mahal na asawa na halos yata buong magdamag siyang pinagod, maaga daw matutulog pero ang lalaking ito ay nais pa yatang sundan aga

