" Lola! " bulalas ni Periwinkle ng masilayan ito kasama ang kanyang mahal na asawa, si Prinsipe Saimon, si Alice at si Tita Athena niya. Agad siyang tumayo at sinalubong ito ng mahigpit na yakap. " Lola, okay ka lang po ba? Nasaktan po ba kayo? " mangiyak-ngiyak na tanong niya, kanina pa talaga siya iyak ng iyak dahil sa matinding pag-aalala sa matanda. Inalalayan niya itong makupo sa upuan. " Ano ka ba apo, ayos lang ako. Hindi naman ako nasaktan tsaka buti nalang nakilala ko ang mga walang hiyang iyon!" wika nito. Napakunot noo naman siya tsaka bumaling siya kina Alice, animo nagtatanong siyang tumingin dito. " Si Lola kaya tanungin mo Peri, wala rin kaming alam kahit kami ei nagulat din." sagot nito. " Kayo talaga, okay aaminin ko na ang lahat. Una palang may hinala na akong hi

