Hindi agad nakasunod sina Prinsipe Saimon at Athena sa Hari dahil tiniyak muna nila kung tama ang kanulang hinala na ang lumang bhay sa dulo ng baryo ay ang pinaglulungaan nga ng mag-ama at nagbabakasakali din sila na makita doon ang hunyango at ang espiritu ni Peri na kinuha nito. " Tahimik ang lugar kamahalan, baka totoong nasa ibang lugar ang hunyango mabuti pa sumunod na lang tayo kay Haring Saithon baka natagpuan na niyang talaga ang mahal na Reyna. Hayaan na muna natin sila dito ang mahalaga batid na natin ang kanilang lungga. " pahayag ni Athena kay Saimon. " Mabuti pa nga po Aba, halika na natagpuan na talaga niya ang Mahal na Reyna. " aya niya dito at agad silang nagteleport sa mismong lugar kung nasaan si Haring Saithon. " Wag kang mag-alala mahal ko, bukas pagkatapos ng a

