" Mga hayop kayo, anong akala nyo sa akin tanga!" galit na bulong niya sa sarili. Gustong-gusto niyang sugurin ang mga ito at pagpapapatayin sa pinakamahirap na paraan ngunit hindi maaari, hindi niya alam kung nasaan si Peri at isa pa alam niyang hindi rin basta-basta ang kakayahan ng mga ito. Kilangan muna niyang makakuha ng tamang tyempo para lumusob, ang kailangan niyang unahin ay ang mahanap ang botelyang pinagkukulungan ni Peri. " Sige na, ayusin nyo ang lahat, oras na para tabihan ko ang aking mahal." nakangising pahayag ng lalaking hunyango. " Naiiintindihan ko po Mahal na Prinsipe." sagot naman ng babae tsaka nagpatuloy na ito sa pagtungo sa natatanaw niyang malawak na bahagi na iyon ng kweba. Dahan-dahan naman niyang sinundan ang lalaking hunyango na Prinsipe pala ng mga kal

