" Peri! Wow,napakaganda mo talaga sa gown mo!" bulalas ni Silvanna ng ganap na matapos ang pag-aayos sa kanya. Nakangiti naman siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Isang puting-puting gown ang ipinasuot sa kanya. Maihahalintulad iyon sa mga traje de budang isinusuot ng ikinakasal sa kanilang mundo ngunit walang katulad ang taglay nitong ganda maging ang design ay duda siyang may makakapareho sa mundo nila. Kakaiba ang tela niyon, malambot ngunit madulas iyon at kahit siguro mamahaling klase ng tela sa mundo ng mga tao ay walang katulad ito. Hindi niya alam kung pano siya namake upan,ang alam lamang niya kumumpas ang babaeng nakatuka sa pagpapaganda sa kanya. At ito na, hindi siya mahilig magmake up pero masasabi niyang perfect ang pagkamake up nito. Bagay na bagay iyon sa k