Ang sumunod na nangyari ay tila nagkaron ng pader sa pagitan ng dalawang mundo. Naiwan sa mundo ng mga tao ang Alenang taga ibang mundo at naiwan sa kabilang mundo ang Alenang mula sa mundo ng mga tao. Sumigaw siya hanggang sa naiyak na ng dumilim ang paligid. Doon na siya nagising sa tila isang panaginip na iyon. Hilam ng luha ang kanyang mga mata, tumingin siya sa babaeng nagpapakilalang kapatid niya. " Ngayon natitiyak kong naaalala mo na ang lahat Mahal kong kapatid. Oras na para makita mo ang ating mga magulang. Ako ang iyong nakatatandang kapatid, Odette ang pangalan ko. At kung hindi mo pa rin naaalala ang tunay mong pangalan. Ikaw si Prinsesa Alice, ang bunsong Prinsesa ng mga Kadungan. " mahabang pahayag nito,nakangiti ito animo nagagalak dahil sa kanyang pagbabalik. Ngun