Samantala sa bahay nina Silvanna. Maaga siyang nagluto ng almusal para na rin maaga siyang makapunta ng bukid para makapangahoy. Isa pa excited na rin syang makita si Saifron ang lalaking kanilang tinulungan ni Boknoy. Mahigit isang linggo na rin itong nanunuluyan sa kanilang kubo sa bukid, mabuti nalang hindi na nakakapunta doon ang kanyang Inay. Kapag kasi nalaman nitong may kinukopkop siyang isang estranghero siguradong tututol ito doon. Baka sabihin pa nito na palayasin niya, lalo pa at isa itong lalaki. Hindi na niya hinintay na gumising ang kanyang Inay at kapatid, nagayak na siya ng almusal ni Saifron at sinamahan na rin niya ng almusal niya para may kasabay ito sa pagkain. Medyo marami-rami ang inorder sa kanyang panggatong ngayon kaya naghanda na rin siya ng bigas at p