Kabanata 36

1984 Words

Nagising siya sa mahihinang katok sa pinto ng silid na kanilang tinulugan. Tiningnan niya ang dalawa niyang kapatid na himbing na himbing pa rin sa pagkakatulog. Patuloy lang ang kung sinong kumakatok sa pinto kaya napilitan siyang bumangon at pagbuksan iyon. Laking kasiyahan niya ng mapagbuksan niya doon si Peri. " Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo Peri? " nakangiting tanong niya dito. Tila naiilang itong tumingin sa kanya. " Ahhm, p-pinagigising na kayo ni Daddy kasi maya-maya'y aalis na daw tayo. Mag asikaso na kayo para makapag almusal muna bago tayo umalis. " halata ang pagkailang sa boses nito. " Ah ganon ba Peri, sige sasabihan ko si Saimon at Saifron para makapaghanda na kami,salamat." tugon niya dito. " S-Sige, salamat. " sagot nito kapag kunwa'y tumalikod na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD