" A-Anong nangyari? B-Bakit nandito na agad tayo sa mall?! " bulalas ni Peri, nanlalaki ang mga mata niya hindi makapaniwala sa nangyari. Walang sumagot sa kanya, nakatingin lamang ang mga ito sa kanya. Hindi niya lubos maisip ang nangyari,pano nito nagawa iyon? Sa isang iglap nandito na agad sila sa mall. " Saimon, ano to? Anong nangyayari dito? Sino ba talaga kayo?" baling niya kay Saimon. Kakamot-kamot ito sa ulo, tila hindi maapuhap ang dapat sabihin. " Wow! Isang hagdanang umaandar! " malakas na sabi ni Saifron. Nabaling tuloy ang antensyon nila dito, agad itong tumakbo doon. Sumunod naman ang dalawa pa kaya napasunod na rin siya. Napailing siya ng tila bata itong nagtatalon, pati na si Saimon at Saithon. Di niya malaman kung matatawa o maiinis, pinagtitinginan na k