Nagising si Saifron sa kakaibang pakiramdam, may nararamdaman kasi siyang pamilyar na nilalang sa paligid. " Siya kaya iyon?!" bulong niya sa sarili. Dinala siya ng mga paa sa labas ng bahay at ganon nalang ang pagkagulat niya ng makita niya si Peri na walang malay ngunit nakaangat ito sa lupa. " Kumusta kamahalan? Mukhang nalilibang kana sa mundong ito ah." pagbati ng nilalang na kilalang kilala niya. Si Ugwang. " Ugwang, bakit naparito ka?Ano ang iyong pakay? Anong ginawa mo kay Peri?" dismayadong tanong niya dito. " Narito ako para sunduin ka Mahal na Prinsipe, ito na ang tamang panahon para mapasaiyo ang matagal mo ng minimithi. Ang kaharian ng Kalepso, ngayong hawak na natin ang babaeng iyan! Wala ng magagawa pa ang iyong kapatid!" masayang pahayag nito. Natuliro siya, h