Natatawa si Peri kay Saimon dahil hilong-hilo nanaman ito sa biyahe, muntik pa nga nitong masukahan ang kanyang anak mabuti na lang at kinuha ng kanyang Mommy si baby bago tuluyang masuka si Saimon. Kakaiba naman ang katabi niyang si Tita Athena kasi parang sanay na sanay itong sumakay sa sasakyan. Samantalang ito ang unang beses na nakasakay ito ng van, ibang-iba sa magkakapatid na halos mamatay-matay na sa kakasuka. " Okey ka lang ba Mahal na Prinsipe?" tanong ni Alena habang hinahagod ang likod ng Prinsipe. Tumango naman ito, nakapikit na isinandal ang ulo sa upuan. Ngunit kinabig ito ni Alena at isinandal sa balikat nito. Napaangat naman si Alice sa kinauupuan pagkakita sa ginawa ni Alena. Hindi niya nagustuhan ang ginawi nito feeling yata ni Alena ay girlfriend na ito ni Prinsipe

