" Saifron! " pabiglang bulalas ni Haring Saithon. Bigla itong lumitaw sa hararapan niya " Kamahalan!" sagot nito. " Anong nangyari bakit ikaw lang?" " Nalupig ang aking mga kawal kamahalan." sagot nito. " Ano?!Papanong nangyari yon? Kasama ka nila papanong nakaya ka nila Saifron?" nagtatakang tanong niya. " Kamahalan animo batid ng punong ministro ang ating gagawing pagsugod sa kanila. May tatlong salamangkerong kasama ang mga tauhan ng Punong ministro at hindi kinaya ng aking kapangyarihan na tapatan ang lakas nila maging ang mga kawal natin ay hindi nailagan ang mga matalim na bagay na pinapakawalan ng isa sa mga salamangkero na isinasabay naman sa hangin na kinokontrol ng isa pa sa tatlong lalaki. " pahayag nito. Nagtagis ang kanyang mga bagaang kasabay ang mariing pagkuyom

