Agad na tumalon mula sa bintana si Saimon ng matiyak niyang nakatulog na muli si Peri. Kung nahuli lamang siya ng kaunti baka napatay na ito si Saifron. Sabi na nga ba niya na hindi siya nagkakamali kaninang umaga ng makita ito, pero hindi niya lubos maisip kung papanong nakarating ito dito sa mundo ng mga tao. Kanina nanonood pa siya ng tv ng maramdaman na may kakaibang kapangyarihan ang nasa paligid lamang. Pinakiramdaman muna niya at di nga siya nagkamali ngunit muntik na siyang mahuli dahil sa kaabalahan niya sa panonood. Ramdam din niya ang kapangyarihan ng kanyang kapatid na hari kaya ibigsabihin lamang niyon andito din sa mundo ng mga tao si Saithon. Naabutan niya ang mga itong nagtutunggali sa likod ng bahay nila Peri. Nagpakawala ng kuryente si Saithon at apoy naman